TODAY
Latest News
- Sister Teresita Canivel, MIC (September 30, 1929- April 1, 2012)
- In Memoriam Sister Teresita Canivel, MIC (Sept. 30, 1929- Apr. 1, 2012)
- Grade School Awarding Ceremony 2012
- Sy-Coson in Forbes list of Asia's top bizwomen
- Grade 7 Debate Finals
- A Beautiful Ending
- 12th EDSOR Peace Conference
- Sebastian Antonio & Betty (’63) Go Roxas-Chua Receive Special Awards
- BITUIN: SASS Charity Fair 2011
- DG Presents: A Portrait of the Artist as Filipino
| Pista sa ICA-75 Anibersaryo ng Wikang Filipino |
| Friday, 02 September 2011 07:48 |
|
Binigyang-tuon ang magkasabay na pagdiriwang ng ika-75 anibersayo ng wikang Filipino at ang pagkatatag ng paaralang Immaculate Conception Academy sa Greenhills, San Juan sa taong ito na ang kaakibat na tema ay :”Ang Filipino ay wikang panlahat, ilaw at lakas tungo sa tuwid na landas.” Nagsagawa nang sabayang aktibidad ang bawat klase sa iba’t ibang lebel. Ang pagpapakita ng demo ng paraan ng paghahanda ng pagkaing Pilipino ay isinagawa ng ang mga guro at mga magulang ng mag-aaral . Ang ibang klase ay nagkaroon naman ng malikhaing pagkukwento, pag-awit sa videoke,pagpapakita ng palarong Pilipino, panonood ng iba’t ibang natatanging tanawin sa Pilipinas at pelikulang Pilipino, pagtatanghal ng mga katutubong sayawin , kaugaliang Pilipino,maikling dula at pagbigkas ng tula ng mga piling mag-aaral. Nagsagawa rin ng ekshibit ang Ikapitong Baitang sa Intermediate Pilotis ng mga paraan kung paano mapapahalagahan ang iba’t ibang kultura, panitikan at kaugaliang Pilipino. Ang ibang lebel ng mag-aaral ay gumawa ng proyekto ng souvenir item tulad ng pamaypay at sombrero.
Gng.Fe Catalina A. Guinto
Punong Tagapag-ugnay
|








